PBA Ngayon At Dati

Noong ako ay bata pang maliit at sobrang kulit, lagi akong tumatabi sa aking ama na mahilig manood ng basketbol sa TV o manood ng live sa Philsports Arena lalo na kapag Ginebra o Gordon's Gin pa noon ang laban kung saan naglaro ang pinaka sikat na manlalaro na si Robert Jaworski. Sa sobrang sikat nga ay naging senador siya.

Noon kapag nanood ako ng PBA ako ay kinikilabutan at ako ay napapaindak sa tuwing nakaka kita ako ng mga slam dunk mula kay Nelson Asaytono at Benjie Paras.

Ngayon na medyo matanda na ako, hindi ko na sila nakikitang naglalaro. Marahil nga ay matatanda na rin sila. Sila ang mga naging idolo ko noon. At siya nga pala, dahil hindi naman ako katangkaran, gusto ko rin si Flying A Johny Abarrientos.

Naalala ko tuloy ang katagang narinig ko sa TV noong may ineterview na fan ng PBA. May edad na rin siyang lalaki, sabi nya, "nakakamiss ang ganitong basketbol game the bestparin nung 90's!" Masasabi kong may punto siya.

Hindi natin maiiwasang maging matabang na ang turing natin sa PBA na dati ay mahal na mahal natin. Kung si Benjie Paras nga ay tahasang sinabi na nag early retirement siya sa paglalaro dahil nasasapawan na siya ng mga negro at Fil-am na panay ang pasok sa PBA ng walang sapat na papeles. Tayo rin kahit papa'no nakikisimpatiya tayo sa kanya.

Noon makikita mo ang indayog ng mga katawan ng players ngayon, sa sobrang lalaki na nila at puros mga maskulado hindi na natin makita ang mga iyon. May mga tamad na ring mga PBA players. Hindi na nga maganda ang nilalaro puros pagpapa cute pa sa TV ang nalalaman. Hay, kailan kaya babalik ang PBA gaya ng 90's?

May mga videos akong napanood na magpapaalala sa atin na kahit papa'no ay nagkaroon tayo ng mga basketbolista na magagaling at masisipag gaya ni Jaworski, Caidic at Asaytono.

Ito and videos mula sa YouTube ibang iba talaga dati:





PBA ngayon videos: