Coach Roger Gorayeb's Statement Regarding The Brawl In San Beda College Gym
After the incident that happened inside the San Beda Colleg Gym, Coach Roger Gorayeb, the Head Coach of the San Sebastian Lady Stags Women's Volleyball Team gave his official statement on what happened.
Here's his statement that I got from Snow Badua's Tweets. You can check his tweets in this link :Snow's Tweets.
"Nag wawarm up yung San Sebastian Men's Volleyball Team. Tapos akala ng San Beda Red Lions, inaasar sila. Habang Nag wawarm up yung Men's Volleyball namin sumisigaw ng chant na ho-hey-ho-hey. Ngayon, nagalit daw yung isang player ng San Beda kasi akala sinigawan siya na unggoy. Hindi naman unggoy yun eh. Lahat ng VOLLEYBALL team tanungin mo normal yung ho-hey chant.
Tapos, habang naglalaro ang ladies team ko at ALTAS, may lumapit sa akin, pinalilibutan daw ng RED LIONS ung MEN's VBALL team namin sa labas. So lumabas ako. Nakita ko nga nagkaka-initan. Pero hindi naman lumalaban yung MEN'S VBALL namin sa SAN BEDA BASKETBALL TEAM. May mga officials na nga dun eh. Kaya tumulong ako mag pacify. wala akong sinabi. Aawat nga ako sa gulo eh. Siyempre players namin un. Saka anong klase yun? Kami na nga lang ang dayo kami pa maghahanap ng gulo?
Tapos bigla akong sinigawan nung isang player. Sabi ko, bakit? Tapos biglang sinabi nung player teritoryo daw nila yun. Huwag daw kaming magyabang. Sabi ko hindi namin kami nakikipag away. Tapos may sumigaw sa akin na player na GAGO. Nag retaliate ako. Sabi ko gago ka rin huwag mo kong murahin. Dun na pumasok yung COACH ng SAN BEDA. Sabi niya. Ano sabi mo? Tapos parang toro na sumugod sa akin. Sa pagsugod niya, minura pa ko. Matindi yung mura niya pati ina ko dinamay. Ayoko nang ulitin pero masama talaga. Tapos ayun nagkagulo na. Pinagtulungan na nila ko. Pati yung LIBERO ko na si MAE CRISOSTOMO na umaawat, nasuntok nila. Hindi ko alam kung bakit kailangang sugurin nila ako at pagtulung tulungan."
Post a Comment